0

Humigit kumulang P1.8 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa Cagayan de Oro mula sa dati umanong konsehal sa Lanao del Norte. 
Arestado sa buy bust operation sa Barangay Agora, Cagayan de Oro city ang isang Raihana Ali Baitara, Huwebes ng gabi.
Ang 55-anyos na si Baitara ay nagsilbing konsehal sa bayan ng Pantar, Lanao del Norte mula 1998 hanggang 2006.
Nakuha mula sa suspek ang mga gadgets, P100,000 boodle money, mga resibo ng mga money remittance sa umanong mga transaksyon ng droga, at dalawang malalaking sachet ng hinihanalang shabu.
Nakumpiska din ng mga awtoridad ang ibang identification cards ng suspek na paiba-iba ang mga alyas.
Isang lalaking menor de edad naman ang na rescue ng mga pulis na tinuturong runner umano ni Baitara.
Ayon sa katorse anyos na batang alyas Dodong, pangatlong beses na siya napag-utusan ni Baitara na maghatid ng iligal na droga sa Cagayan de Oro mula Marawi City.
Itinanggi naman ito ng suspek at pinagbintangan pa ang bata.
Tinutukoy pa ng mga otoridad kung nasa drug watchlist ba ng Marawi City si Baitara.
Ayon sa suspek, higit sampung taon na siyang naninirahan sa Cagayan de Oro.
Bumibisita lang umano siya sa Marawi City upang mamili ng mga malong at mga damit na binebenta sa mga suki sa Cagayan de Oro.

SOURCE: ABS - CBN
Mgid

Post a Comment

 
Top