Ang oral sex ay isang akto na ginagawa ng mag-asawa, ngunit may mga pagkakataon na maging ang mga hindi pa kasal ay ginagawa ito, at kadalasan ay nauuwi pa sa "experimentation."
Bagama't nilinaw ni Dra. Lulu Marquez na hindi niya hinihimok ang mga kabataan na gawin ito, narito ang ilang babala at paalala sa mga maaaring peligro na dala ng madalas na pakikipag-oral sex kung kani-kanino.1. "Although you cannot get pregnant for engaging in oral sex, you can still get a sexually transmitted disease."
2. "Talk to your partner about their sexual history."
Dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa pakikipag-oral sex, mahalaga na malaman muna ang sexual history ng iyong partner. Para rin makasiguro na ligtas, magpa-check up muna sa doktor at dumaan sa mga pagsusuri para malaman kung mayroong STD o HIV.
3. "If you're unsure of your partner's sexual history, always use condom."
Sa mga pagkakataon naman na hindi ka sigurado sa sexual history ng iyong partner, gumamit ng condom upang maiwasan mga sexually transmitted disease o mga sakit na nagmumula sa impeksyon at naipapasa sa ibang tao. Maaaring makakuha ng STD mula sa bibig, penis o vagina kapag walang proteksyon kagaya ng condom.
4. "Never let anyone pressure you into giving or receiving oral sex."
Ang pinakaunang bagay na dapat malaman sa oral sex ay hindi ito sapilitan. Ibig sabihin, ito ay "personal choice." Mabuting i-konsidera rin muna ang mga paniniwala sa buhay bago magdesisyon na gawin ito.
5. "Getting an STD is a serious problem."
Bagama't mayroong mga lunas sa STD, ito ay isa pa ring malalang problema. Halimbawa sa kaso ng syphilis, bagama't maaari itong gumaling nang kusa, magiging pang-habambuhay na carrier naman ang isang tao, na maaari ring magdulot ng problema sa aorta o puso. Posible rin itong magbunsod sa pagkabaog o pagkamatay.
SOURCE: ABS-CBN
Post a Comment