0
MANILA - Para kay Jericho Rosales, walang naging problema sa paggawa nila ng mga "sensual scenes" ng bagong leading lady niyang si Arci Munoz para sa seryeng "Magpahanggang Wakas."

"Medyo nagtatawanan lang kami, medyo nailang kami ng konti kasi first time. Siyempre first time namin nag-meet diretso agad kami ng Caramoan. Siyempre pini-feel pa namin 'yung isa't isa tapos 'yun agad scenes namin. Medyo awkward ng konti pero nairaos namin. Nag-bond kami sa Caramoan, kwentuhan kaming dalawa," ani Jericho.
Para kay Arci, iginiit niyang kumportable siyang kaeksena si Jericho.
"I'm very comfortable with Echo and maganda 'yung eksena... professional naman ito," dagdag ni Arci. 
Bilang mga aktor, iginiit ng dalawa na kailangan lang nilang gampanan ang kanilang mga karakter.
"When we are doing scenes, siyempre you feel the love, you feel the excitement, ma-feel mo lahat, kasi nagpi-play ka ng character. 'Di mo dapat pigilin sarili mo kapag nasa scene ka na 'yun na 'yon," paliwanag ni Jericho.
"Working with her gave us the chance to be friends, so ini-enjoy namin 'yung beach, kasi pareho kaming mahilig sa beach. Mahilig din siya sa kung ano-anong bagay. It's good to share a lot of things in common with the person you work with," dagdag ng aktor. 
Ayon kay Jericho at Arci suportado ng kani-kanilang mahal sa buhay ang kanilang unang pagtatambal. 
Si Jericho ay kasal na sa modelong si Kim Jones, samantalang masaya sa kanyang relasyon sa nobyong si Badi del Rosario si Arci.
Para kay Jericho at Arci, masaya sila na magkasama sa isang proyekto.
"I'm just really, really grateful masaya ako, masaya ako and I'm contented," ani Arci. 
"Excited na kami lahat. Nagpapasalamat ako na ang galing ng bagong grupo namin," dagdag ni Rosales.
Magsisimula ang "Magpahanggang Wakas" sa September 19.


SOURCE: ABS-CBN
Mgid

Post a Comment

 
Top